Posts

Showing posts from September 17, 2025

MA' LIA

Image
Maagang naulila si Jeremy sa ina, kung kaya't makalipas lamang ang isang taon ay may ipinakilala nang bagong babae ang kanyang ama sa kanya.  "Anak, dito na titira si Lia sa atin," wika nito sa kanya. "Ituring mo siyang parang mama mo na rin," dagdag pa nito. Maaliwalas ang mukha ng babae. Maganda ito at sa tingin niya ay bata pa ito at malayo ang agwat ng edad sa kanyang ama na trenta y singko anyos na.  "Hi Jeremy, pwede mo akong tawaging Mama kung gusto mo, pwede ring Mama Lia.." sambit ng babae sa kanya. Isang matinding pagsimangot lang ang kanyang itinugon dito.  Masama ang kanyang loob noong unang taon ng pagsasama ng ama at madrasta kahit pa naging mabait naman ang huli sa kanya. Pakiramdam niya kasi ay inagaw nito ang papel ng kanyang ina sa tahanang iyon.  Ngunit kahit ganon ang kanyang pakikitungo ay naging mabuti pa rin ito sa kanya. Ginampanan pa rin nito ang mga tungkulin na naiwan ng mama niya. Tulad ng pagsisilbi sa mga pangangailangan n...