Posts

Showing posts from November 11, 2022

TINATLUHANG PUTOK

Image
Isang araw ng Sabado ay nagpaalam si Luisa sa asawang si Ryan na papasyal muna sila ng kanilang anim na taong gulang na anak na si Rayvin sa kanyang mga magulang sa may Marikina. Pumayag naman si Ryan at alam nyang hindi na sya isasama ng asawa dahil hindi maganda ang relasyon nya sa mga biyenan. Paano nga’y katatapos pa lamang ng pag-aaral ni Luisa ay binuntis nya na ito kaagad. Makailang beses na din siyang nagpunta sa bahay na iyon ngunit malamig pa rin ang naging trato ng mga biyenan sa kanya. “Oh paano, lalakad na kami ni Rayvin. Baka gabi na kami makauwi dahil matindi lagi ang traffic sa kamaynilaan bago pa kami makarating sa Marikina,” paalam ni Luisa. “Mag-iingat kayo sa byahe,” sagot ni Ryan sa asawa. “Siya nga pala, initin nyo na lang ni Gwen yung ulam sa ref, madami pa naman yun at kasya na sa inyong dalawa yun,” pahabol bilin ni Luisa sabay halik at yakap sa asawa. Nang makaalis ang kanyang mag-ina ay naabutan ni Ryan si Gwen na naghuhugas na ng kanilang pinagkainan ng almu...