Posts

Showing posts from October 27, 2022

ANG PAMANGKIN

Image
Nang maulila sa mga magulang ay sa kanyang Tita Gina na muna nanirahan si Tracy. Kapatid ito ng kanyang ina kaya’t malapit siya dito. 2nd year highschool pa lang sya ng lumipat sa bahay na iyon kasama ang Tiya, ang asawa nitong si Fred at dalawang pinsan na sina Ania at Cheena. Mabait naman sa kanya ang pamilya ng tiyahin nya. Itinuring na rin syang hindi iba ng mga ito kaya’t naging okay naman ang kanyang pagtira dito. Kahit napagsasabihan sya minsan ay maunawain naman ang kanyang Tita Gina. Samantalang ang Tito Fred nya ay tahimik lang. Minsan lang din ito nasa bahay dahil sa trabaho bilang pulis. Kasundo nya rin ang kanyang mga pinsan dahil hindi naman nalalayo ang kanilang mga edad. Mas matanda sa kanya si Ania ng dalawang taon at mas matanda naman sya kay Cheena ng isang taon.  Napakasaya nya ng nakagraduate na sya ng high school at pinag-iisipan na rin kung itutuloy nya bang mag-aral sa Maynila, pwede rin kasi syang tumira doon sa isa naman nyang tiyahin din.  May mga na...