Posts

Showing posts from October 20, 2022

BARKADA

Image
Magsasama ng pansamantala sa iisang bahay ang magpinsang Toph at Jill. Tutal mag-isa naman si Toph sa bahay dahil nasa Amerika na ang mga magulang at ibang kapatid, pinatuloy nya muna ang pinsang si Jill habang wala pa itong malilipatan. Sa Manila kasi nagtatrabaho ang magandang dalaga at doon na rin nangungupahan, kaso lang ay naibenta na ang bahay na nirerentahan nya kaya napilitang umuwi muna sa probinsya. Nagfile din sya ng mahabang leave sa opisina habang nasa probinsya. Ulilang lubos na si Jill kaya’t sarili na lang ang iniintindi sa buhay. Nakagraduate naman sya at may maayos na trabaho.  “Insan walang problema kung dito ka muna, tutal kami lang naman ni Jepoy ang naandito sa bahay.” wika ni Toph habang pinapakilala ang kinupkop nyang barkada sa bahay. “Hello Jepoy!” bati nya sa binatang barkada ng pinsan. “Doon ka na matulog sa bakanteng kwarto, tutal naman may kama naman dun. Si Jepoy naman sa pangatlong kwarto naman natutulog yan,” dagdag ni Toph. Ilang araw pa lang at na...