ANG BAYAW NI LISA
Lumaking close sa isa’t-isa ang magkapatid na Marilyn at Lisa kung kaya’t hindi sila mapaghiwalay nung bata pa. Mas matanda ng limang taon si Marilyn sa kapatid kung kaya’t nang magdalaga ito at pumunta ng Maynila para makipagsapalaran ay sobrang nalungkot ang nakakabatang kapatid. Mahirap kasi ang buhay nila sa isang malayong probinsya sa Mindanao kung kaya’t pinangarap nila na makaalis doon at makaahon sa kahirapan. Ulila na sila sa ama at ang kanyang ina at lola na lang ang kanilang inaasahan. Bukod sa kanila ay meron pa silang dalawang maliliit na kapatid na lalaki. Kalaunan ay nakapagtrabaho si Marilyn bilang entertainer sa isang bar sa may Pasay. Lumipas ang tatlong taon at medyo umayos ang kita ni Marilyn dahil sa naging regular customer nya ang isang galanteng mayaman. Hindi sya maluho kaya’t nakapag-ipon ng kaunti. Dagdag na biyaya pa na kinuhanan sya ng customer ng isang maliit na murang pabahay sa Laguna. Dahil dito ay kinuha na nya ang kanyang kapatid na si Lisa, kasa...