AT HOME SI CANDY
Ilang buwan pa lamang magkakilala ay napalagay na agad ang loob ni Candy sa bagong kaibigan na si Krissel. Mas matanda lamang ito sa kanya ng dalawang taon kung kaya't halos pareho ang kanilang mga interes sa buhay. Nagkakilala lamang ang dalawang dalagita sa isang sikat na bar sa kanilang lugar dahil na rin sa kani-kanilang mga kaibigan na madalas pumupunta sa lugar na iyon. "Krissel eto pala bago naming tropa, si Candy..magaling din yan sumayaw tulad mo," pagpapakilala ng kanilang kaibigan sa dalawa. "Sige dun tayo sa dancefloor sis," pagyaya ni Krissel sa bagong kakilala. Habang sumasayaw ay nagtatawanan na ang dalawa kaya't kahit nakabalik na sa kanilang pwesto ay patuloy pa rin sa pagkukuwentuhan ang dalawang babae sa gitna ng malakas na tugtog. "Ilang taon ka na pala Candy," tanong ni Krissel habang sinasalin sa kanyang baso ang isang bote ng beer. Napatahimik lang ito at napangiti. "Ahm seventeen.." alanganing sagot ng dalagita. ...