O MARE KO
Mga bata pa lamang ay magkaibigan na sina Carlo at Mela. Iisa ang lugar na kanilang kinalakihan kaya't kilalang-kilala na nila ang isa't-isa. Yun na din siguro ang dahilan kung bakit nagkagustuhan at nauwi sa pagiging magkasintahan ang dalawang magkababata. Palakaibigan din sila kung kaya't naging parte na din sila ng mga samahan ng magkakatropa sa kanilang lugar. Hindi nga nagtagal at nagpakasal na din ang dalawa at halos mapuno ang wedding reception na ginanap sa covered court ng kanilang baranggay dahil sa dami ng kanilang mga katropa. Lumipas ang panahon at nabiyayaan ng dalawang supling ang mag-asawa. Ngunit kahit nagsilang na ay masasabing maganda pa rin ang hubog ng katawan ni Mela. Palibhasa ay maalaga sa katawan kung kaya't hindi mo aakalain na 29 na ito at isa nang ina. Kahit mag-asawa na ay hindi pa rin sila nakakalimot sa mga kaibigan at kung minsan ay nagagawa pa rin nilang makipag-inuman sa mga ito. Isa sa madalas nilang maging bisita ay si Mario na 22 any...