Posts

Showing posts from September 21, 2022

BAGONG BAHAY

Image
Tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha ni Jera habang binabagtas ang daan patungo sa Tagaytay. Kakabreak lang nya sa kanyang manlolokong nobyo kagabi dahil nahuli nya na naman ito na may ibang nilalanding babae. Kagabi ay nagdesisyon na sya na tapusin na ang kanilang relasyon. At ngayon nga ay hindi niya mapigilang ibuhos ang walang humpay na luha sa sobrang bigat ng dinadala.  Kung hindi lang kailangan bisitahin ang site ng pinapatayo nyang bahay sa Tagaytay ay mas gugustuhin nya na lang sanang wag nang umalis sa condo nya sa Maynila.  28 anyos na si Jera, maganda, balingkinitan ang katawan at maraming nagkakagusto. Hindi niya maintindihan kung bakit ang manlolokong si Mike pa ang kanyang nagustuhan. May pera naman sya bilang isang professional at kasosyo sa isang online business na maganda ang kita. Buti na lang at nagising na sya sa katotohanan bago pa sya maikasal sa lalaking tamad at masama ang pag-uugali.  Malaki rin ang nagastos nya sa ipinapatayong simpleng bahay sa Tag...