DAHIL SA PANDEMYA
Nang dahil sa pandemya ay nawalan ng trabaho sa Maynila si Dennis. Napilitan syang umuwi sa kanilang probinsya sa may Norte sa piling ng kanyang asawa at anak. Ang asawa nyang si Tess ay nagtitinda sa palengke para mairaos ang kanilang gastusin. 5 taong gulang pa lamang ang kanilang anak na lalaki kung kaya malaki ang panghihinayang ni Dennis sa nawalang trabaho. Samantala nalungkot man ay medyo hindi maitago ang tuwa ng kanyang asawang si Tess dahil makakapiling nya na rin ang asawang buwanan lang nakakauwi sa kanilang probinsya. Sabik nyang hinalikan ang kanyang asawa at kinuha ang ibang bitbit nitong maliliit na gamit. Masaya din syang sinalubong ng kanyang anak na lumundag pa para magpakarga sa kanya. Tuwang-tuwa si Tess na hindi na sya mag-aalala sa guwapong asawa. Matipuno kasi si Dennis, maganda ang katawan sa edad nitong 28. Barakong-barako ito sa maitim na balat at medyo kalbong buhok. Ang magandang tindig ng asawa ang talaga namang kinahumalingan nya dito, at siyem...