SI ATE RENA
Tuwing may okasyon ay madalas pumunta ang pamilya nila JC sa bahay ng kanyang Tita Emie na kapatid ng kanyang ina. Kung minsan ay doon na sila nagpapalipas ng gabi at kinabukasan na sila umuuwi dahil nasa ibang probinsya pa ang kanilang tahanan. Tatlo lang naman sila ng kanyang nanay at isang kapatid na babae kaya't puwede na silang sumiksik sa kuwarto ng isa niyang pinsan. Mabait naman sa kanila ang kanyang Tito Nards na asawa ng kanyang Tita Emie kaya't welcome na welcome din sila sa mga kamag-anak nito sa compound na iyon at madalas nakakalaro pa nila ang ibang bata sa kabilang bahay. Magdidisisiete anyos na noon si JC nang muli silang pumunta sa bahay ng kanyang Tita Emie para doon salubungin ang bagong taon. Masaya sa compund na iyon dahil andun ang karamihan ng kamag-anak ng kanyang Tito Nards. Ngunit ang tumawag ng kanyang atensyon ay ang 26 anyos na pamangkin ng kanyang Tito na si Rena. Laking gulat niya na naaalala pa sya nito dahil nang huli niya itong makita ay totoy...