FIESTA
Para malimutan ang problema sa kanyang trabaho ay naisipan ni Jerome na magpalipas muna ng ilang araw sa probinsiya ng kanyang mga kamag-anak sa Antique. Doon naninirahan ang kanyang Tiya Laura na isa sa maraming kapatid ng kanyang ama. Sa magkakapatid kasi ay ito lamang ang kanyang kilala dahil madalas itong bumisita sa kanilang bahay sa Maynila. Matapos magpaalam sa kanyang mga magulang ay bumiyahe na sya sakay ng barko patungo sa kabisayaan. Naisip niyang tamang-tama din ang pagpunta niya dito dahil magpipiyesta na doon sa darating na linggo. Tiyak ay maaliw siya sa lugar kahit paano. Sa kanyang byahe ay napakaraming pumasok sa kanyang isipan. Iniisip niya kung ang dating probinsya ay ganoon pa din ang hitsura o madami na ba ang nabago dito. Ang huling punta pa niya doon ay noong walong taong gulang pa lamang siya at kaunti na lamang ang naaalala niya dito. Makalipas ang mahabang biyahe ay nakarating na nga siya sa kanilang probinsiya. Tuwang-tuwa siyang sinalubong ng kanyang T...