NANG MAGHILOM ANG SUGAT
Nasa kalagitnaan na ng pag-aaral sa high school si Ashley nang magpasya ang kanyang inang si Mercy na mag-abroad dahil sa hirap sa mga gastusin nila. Matagal nang hiwalay ang kanyang mga magulang at hindi naman tumutulong ang kanyang ama sa kanyang pag-aaral kaya't pasan lahat ng ina ang lahat. Inihabilin muna siya ng nanay niya sa kinakasama nitong si Jonald upang mag-asikaso habang nasa ibang bansa ito. Mabait naman sa kanya ang pangalawang ama kaya't kahit paano ay napalagay na siya rito. Dalawang taon na rin naman nila itong kasama sa bahay kaya't Tay Jonald na ang tawag niya dito. Nalulungkot man ay alam niyang para din sa kinabukasan niya ang ginawa ng magulang. Tulad ng kanyang ina ay meron na ring anak sa unang asawa ang kanyang Tay Jonald na babae pero doon ito naninirahan sa kanyang ina at bihira din lang kamustahin ang kanyang ama. Makalipas ang ilang buwan ay napapansin ni Ashley na palaging malungkot ang kanyang amain. Alam niyang masama din ang loob nito sa p...