Posts

Showing posts from December 2, 2022

MAY DAGTA

Image
Sa ikalawang pagkakataon ay nahiwalay na naman sa kanyang asawa si Angela. Kung bakit hindi siya sinuwerte sa mga lalaking napangasawa niya. Maganda naman siya at masipag. Kung tutuusin ay madami ang nagkakagusto sa kanya pero lagi siyang nahuhulog sa maling lalaki. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit kinukuwestiyon niya ang kanyang sarili.  Madalas pagmasdan ni Angela ang sarili sa salamin dahil masyado itong balidosa sa katawan. Kapag nasasabihan ng mga kaibigan na medyo tumataba na siya ay agad itong natataranta at mag-eehersisyo na at magbabawas ng pagkain. Paano nga'y masyado na syang naging insecure dahil sa sinapit ng kanyang pakikipagrelasyon. Nagkaroon siya ng tig-isang anak sa dalawang napangasawa. Ang panganay ay si Randy at ang pangalawa ay si Sophie. Magkaiba man ang ama ay pinalaki niya ang mga ito na pantay ang pagmamahal.  Nang magdisisais na si Randy ay kinuha na ito ng kanyang ama para isama sa kanilang probinsiya. Pumayag na rin si Angela dahil aakuin n...