BOARDING HOUSE
Matagal nang magkasama sa boarding house ang magkaibigang Mina at Cecille, kung kaya't nang sabihin ng landlady nila na ibebenta niya na ang bahay ay sobrang nalungkot ang magkaibigan. Maganda kasi ang lokasyon ng nasabing boarding house dahil malapit lamang ito sa kani-kanilang mga trabaho. Isa pa ay kilala na din nila ang halos lahat ng iba pang kababaihan na umuupa din doon. "Baka mahirapan tayong maghanap ng malilipatan sis," pag-aalala ni Cecille. "Oo nga eh, dalawang linggo lang ang binibigay na palugit sa atin ni Mrs. Leyva," pagsang-ayon naman ni Mina. "Napakadami ko pa naman aasikasuhin sa trabaho; bakit ngayon pa sumabay to?" sambit ni Cecille. "Alam mo baka pwede muna tayo pansamantala dun sa inuupahang apartment ng mga pinsan ko sa San Jose," biglang naalala ni Mina. "San Jose? Ang layo naman yata nun," may pag-aalangang sagot ng kaibigan. "Dalawang sakay lang naman yun hanggang sa trabaho mo. Isa pa wala naman tayo...