ANG KABIT
Nang masawi si Dan mula sa aksidente ay hindi malaman ng kuya nyang si Sonny kung paano na ang kabuhayan ng naulila nitong asawa at mga anak. Sa edad na bente-singko ay napakabata pa ni Dan at wala rin ibang inaasahan ang kanyang asawa at dalawang anak. Mabigat man ang loob ni Sonny ay siya muna ang tumulong sa panggastos ng naulilang hipag. “Ellie, pasensya ka na at kaunti lang ang maitutulong ko, alam mo naman na meron din akong sariling pamilya,” wika ni Sonny sa asawa ng kapatid. “Maraming salamat kuya, malaking tulong na ito sa amin,” sagot naman ni Ellie. Mabuti na lang at maunawain ang asawa ni Sonny at naiintindihan nya ang pangangailangan na tumulong ng kanyang asawa sa naiwang pamilya ng nakababatang kapatid. Malapit sa isa’t-isa ang magkapatid na Sonny at Dan simula pa ng pagkabata. Matanda lang ng tatlong taon si Sonny sa kanyang kapatid at alam nila ang sikreto ng isa’t isa lalo na sa mga chicks. Kahit may mga kanya-kanya nang asawa ay hindi pa rin naaalis sa ma...